Delivery rider na natangay ng baha sa Camarines Sur natagpuan na

CAMARINES SUR- Natagpuan na ang delivery rider na natangay ng baha sa Buhi Camarines Sur.

Sa ulat ng Buhi  Municipal Police  Station rumisponde sila kasama ang mga katuwang na ahensya tulad ng BFP at MDRRMO nang may maiulat na tinangay ng baha sakay ng motorsiklo sa Barangay San Jose, Salay, Buhi kahapon Abril 12 , 2023 sa kasagsagan ng ulang dala ng Bagyong Amang.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay PMAJ Andrew Ancomendas, narekober ng mga otoridad ang limang parcel , sa pag beripika ng PNP sa opisina sa Iriga City, napag-alaman na ang rider ay si Romel Carlo Tomenio Y Pletado residente ng Sagrada, Buhi.

Sa pagtutulungan ng mga rescuers mula Buhi at Iriga pati mga residente natagpuan na pasado alas-10 ng umaga kanina Abril 13, 2023 ang wala nang buhay na rider sa Del Rosario Banao, Iriga City.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa panayam ng Brigada News FM sa asawang si Nica Shiela Litam-Tomenz, emosyonal nitong sinabi na halos patapos na delivery ang asawa at pagkatapos ay papauwi na sana. Labis ang pagdadalamhati ng pamilya nito, saad ng nangungulialang asawa paano na siya at ang mga pangarap nila para sa anak.