Mga tricycle sa lungsod ng Legazpi na may dalawang pasahero may bagong taripa na ngayong panahon ng pandemya, aasahang tataas ang pamasahe ayon sa alkalde ng nasabing lungsod

LEGAZPI CPITY – Marami na ang umaaray na mga tricycle driver sa lungsod ng Legazpi matapos ang sunod sunod na pagtaas ng presyo ng Gasolina. Sa ginawang pressbriefing ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi, maglalabas ng bagong taripa ng mga tricycle para sa dalawang pasahero lamang ang City Local Government Unit LGU Legazpi.

 Aniya, bago maaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ang pagtaas ng presyo ng pamasahe kinakailangan muna magkaroon ng Public hearing o pag-uusap ang mga ito upang mabalanse ang tamang pamasahe na ibibigay sa mga commuters. Binigyan diin nito, kailangan pagbigyan muna pansamantala ang mga tricycle driver para sa kanilang hiling sa pagtaas ng presyo ng pamasahe dahil sa nalulugi na rin ang mga ito.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain
Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

 Dahil dito maiiwasan rin umano ang overpricing ng mga driver sa mga pasahero. Posible umano abutin sa P15 ang pamasahe ng bawat pasahero sa mga tricycle. Sinabi ng opsiyal, ang pagtaas ng pamasahe o bagong taripa sa mga tricycle ay para lamang ito sa pandemic rate na kung saan ay maaaring bawiin pa rin ng City LGU na maibalik sa dating pamasahe.