Mga tricycle driver sa Cauayan City, nagpapatuloy ang hiling na itaas sa 2 ang pasahero


Nagpapatuloy pa rin ang kahilingan ng mga tricycle driver sa lunsod ng Cauayan sa Local Government Unit na gawing dalawa na ang maaring isakay na pasahero upang hindi umano sila mahirapan sa pamamasada at madagdagan ang kanilang kita.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay FESADECO Vice President Ronald Lanuza, sinabi niya na sana ay maaprubahan na ang kanilang hiling na dalawang pasahero dahil marami na rin umano ang nababakunahang mga indibidwal at tricycle driver sa lunsod.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu


Maliban dito ay ibababa na rin sa Alert Level 2 ang lalawigan simula bukas, November 17, 2021.


Sa katunayan aniya, sa kanilang organisasyon ay umabot na sa 90% na mga tricycle driver ang nakatanggap na ng kanilang firstvdose ng bakuna kontra COVID-19.


Ngunit aniya hihintayin pa rin nila ang panukalang ibababa ng LGU-Cauayan City sa kanilang mga motorista bago magsagawa ng anumang hakbang.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts


Tiniyak rin niya na sumusunod ang mga tricycle driver sa mga umiiral na panuntunan sa lunsod bagaman mayroon pa ring mangilan-ngilan na pasaway.


Sumabay pa aniya sa kanilang paghihirap ang taas presyo ng produktong petrolyo at maswerte na umano ang 500 pesos na kanilang gross income sa isang araw.


Samanatala, aprubado naman sa kanilang mga motorista ang panukala ng LTO na 10 year validity ng drivers license dahil mababawasan umano ang kanilang oras sa palagiang pag-renew ng lisensya at gastusin.