Cagayan Valley, muling nakapagtala ng karagdagang 67 delta variant cases – DOH Region 2


Muling nakapagtala ang Lambak ng Cagayan ng karagdagang 67 na kaso ng COVID-19 Delta Variant.
Ito ay batay sa ika- 43 na Biosurveillance Report ng DOH Central office, UP-PGC at UP-NIH nitong November 12, 2021.

Ayon sa DOH Region 2, mula sa bagong kaso ay pinakamarami ang naitala sa Isabela kung saan umabot ito ng 33 cases mula sa 21 na bayan at siyudad ng lalawigan.


19 naman na kaso ang naitala sa Cagayan mula sa 16 na bayan rito; 10 kaso naman ang naitala sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan ng dalawang kaso sa Bambang habang tig-isa ang Bagabag, Bayombong, Diadi, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Solano at Villaverde.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu


Habang ang Quirino Province ay mayroong limang kaso mula sa Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Maddela at Saguday.
Batay pa sa isinagawang pagsusuri, mula sa 67 na kaso ay apat ang nasawi mula sa mga bayan ng Bambang, Echague, Ramon at Lungsod ng Cauayan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod


Ang ibang kaso naman ay gumaling na sa nasabing sakit maliban sa isang nasa Roxas, Isabela na kasalukuyan nagpapagaling sa isang pagamutan.


Patuloy namang pinaiigting ng DOH Region 2 at apektadong mga LGU ang isinasagawang contact tracing para sa madaliang isolation ng mga kaso upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga komunidad.


Nagpaalala naman ang Kagawaran ng Kalusugan na ang pagbaba ng restriction o quarantine classification sa rehiyon ay hindi nangangahulugang maaari nang makampante dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.