Fully vaccinated employees ng DA-BFAR REGION 2, UMABOT NA SA 90%

Umabot na sa 90% o katumbas ng 261na indibidwal mula sa 288 na empleyado ng DA- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 02 sa buong rehiyon ang fully vaccinated na kontra COVID-19.


Ito ang kinumpirma ni Gerald Kerby Lumauan ang Safety officer at Agency nurse ng BFAR- Region 2 sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.


Aniya, ang mga nabakunahang indibidwal ay kanilang mga personnel mula sa mga Provincial Statistics Office (PSO) sa probinsya ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Batanes at ibang farm stations sa Claveria at Appari.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon


Ayon pa kay Nurse Lamauan, ang mga natanggap na bakuna ng kanilang mga personnel ay Sinovac, Astrazeneca, Pfizer at Gamaleya Sputnik V kung saan mula ang mga ito sa vaccination roll-out ng mga nabanggit na probinsya.
Sa ngayon ay nasa 2.43% na lamang umano ang hindi pa nababakunahan at 20 na personnel na ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors


Inaasahang makakamit aniya ng tanggapan ang 100% fully vaccinated na kanilang mga empleyado bago matapos ang taon.


Dagdag pa niya, nakatulong umano sa kanilang protekson ang bakuna dahil wala nang naitatalang empleyado na nagpopositibo sa COVID-19.


Bukod dito, ay mahalaga rin aniya ang kooperasyon ng bawat personnel sa mahigpit na pagpapatupad ng umiiral na health protocols.