Mga taga-Olongapo, pinag-iingat sa mga budol-budol

Nagbabala ang mga kagawad ng barangay sa Olongapo dahil sa nagiging uso na naman ngayon ang pambubudol sa mga target na biktimahin.

Base sa kwento ni Kgd.Ronald Elayda ng Bgy.Barretto, nagkunwaring naghahanap ng mauupahang kwarto ang lalaking suspek kasunod ng pagbebenta ng 150 kilos na bigas sa halagang tatlong libong piso.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Noong una ay muntik nang magbigay ng pera ang asawa ng kagawad pero nang mapag-isip-isip na wala pa ang ipinangakong bigas kaya hindi nito itinuloy ang pagbili.

Nakuha din ng isa pang grupo ang pera ng isang matanda galing sa pawnshop sa West Tapinac, Olongapo sa paniniwalang kaibigan ng anak ang mga suspek.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Isinakay sa kotse ang biktima, kinuha ang pera at tsaka ibinaba ulit sa harap ng pawnshop.

Dahil dito, pinag-iingat ang lahat na posibleng kasunod na mabiktima ng mga ganitong uri ng panloloko.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text