DA, nanawagan na bigyan sila ng ‘police power’ kontra smuggling

Nanawagan si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Fermin Dantes Adriano na bigyan sila ng ‘police power’ kung saan maaari silang makapag-file ng kaso laban sa mga smugglers.

Ayon kay Adriano, tanging ang Bureau of Custom (BOC) ang otorisadong magsagawa ng naturang kapangyahiran ayon sa batas.

Read More:  Malacañang orders agencies to prepare for Undas travel rush

Matatandaang maraming magsasaka ang apektado ng smuggling kung saan mas mura itong ipinagbibili sa merkado at marami sa kanila ang nawawalan ng kita.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Samantala, sa ngayon ay iniimbistigahan ng DA ang umanoy pagkakasangkot ng ilan sa kanilang empleyado sa technical smugglers. (ARGIE ERGINA)