Mga suspek sa pagpagpatay sa beauty queen, Israeli boyfriend nito – marapat lang umanong panagutin sa ilalim ng batas

Mariing kinondena ni Senador Lito Lapid ang naging karumal-dumal na pagpatay sa kanyang kabalen o kabayan na si Geneva Lopez na isang beauty queen at maging sa Israeli fiance nitong si Yitshak Cohen.

Anya, walang puwang sa lipunan ang ginawang pagdukot at pagpatay sa dalawa kung kaya’t dapat lang umanong usigin ang mga ito sa Korte Suprema.

Dagdag pa niya, marapat lang na mapatawan ng karampatang parusa ang mga ito sa ginawa nilang krimen.

Alinsunod nito, umaasa ang senador sa mas mabilis na pag-aksyon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang maimbestigahan at makasuhan agad ang mga salarin sa likod nito.

Maalala, ayon sa huling report ng PNP, hawak na nito ang limang persons of interest sa naging pagpatay sa mag-partner.

Samantala, lumabas naman sa resulta ng autopsy na parehong nagtamo ng dalawang tama ng bala ang mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *