Philippine Navy, iginiit na hindi isusuko ng pamahalaan ang BRP Sierra Madre

Hindi isusuko ng Pamahalaan ang presensya ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ang iginiit ng Philippine Navy sa kabila ng alegasyon ng China na nagdudulot ng pagkasira sa marine environment ang pananatili ng barko sa lugar.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi isusuko ng pamahalan ang BRP Sierra Madre dahil simbolo ito ng “national territory”.

Paliwanag pa ni Trinidad, mouthpiece ng China ang media na nagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay sa BRP Sierra kaya dapat ay hindi na ito patulan.

Samantala, kanya naman iginiit na China at hindi ang Pilipinas ang nakakasira sa marine environment sa West Philippine Sea.

Una nang naglabas ng pahayag ang National Security Council at sinabing may mga ebidensya ang Pilipinas sa mga iresponsableng paninira ng corals ng China sa Bajo de Masinloc, Rozul Reef, Escoda Shoal, Sabina Shoal, at Pag-asa Cays 1, 2, at 3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *