SP Escudero – tiniyak ang paglagda sa warrant of arrest kay Mayor Guo sakaling hilingin ng Senate committee

Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na lalagdaan niya ang warrant of arrest laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo sa sandaling magkaroon ng pormal na mosyon mula sa Senate committee on women, children, family relations, and gender equality.

Ito ay sa gitna ng hindi pagdalo ni Guo sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado hinggil sa ilegal na POGO.

Paliwanag ng kampo ng alkalde – na-trauma si Guo.

Ayon kay Escudero, kung hindi dadalo ang alkalde, nasa kamay ni Senate committee on women, children, family relations, and gender equality chairperson Senadora Risa Hontiveros kung magre-request sila ng warrant of arrest para pwersahan itong papuntahin sa hearing.

Pipirmahan din umano ito ni Escudero sakaling i-request ni Hontiveros.

Mababatid na ipina-subpoena na ng senate committee si Guo, maging ang mga magulat at kapatid nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *