Naaresto ng mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station sa Batangas ang dalawang indibidwal na pangunahing suspek sa pagkawala ng dating beauty queen na si Catherine Camilon.
Nabuo ang isang Special Intelligence and Tracker Team matapos matanggap ang warrant of arrest laban sa mga suspek na may kaugnayan sa pagkawala ng biktima.
Matatandaang si Camilon ay huling nakita noong Oktubre 12, 2023, at bagama’t sumuko na ang mga suspek noong Nobyembre 2023, pinalaya ang mga ito nang ibasura ng Regional Prosecutor’s Office ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.