Pumalo na sa 23 ang bilang ng mga naiulat na nasawi, habang 15 naman ang nawawala dahil sa epekto ng southwest monsoon, at ng mga Bagyong Ferdie, Gener, at Helen.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam dito ang mga mula sa MIMAROPA, apat ang mula sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at dalawa naman sa Central Visayas.
Maliban dito, labindalawang indibidwal naman ang nawawala sa MIMAROPA, dalawa sa Zamboanga Peninsula, at isa sa Western Visayas.
Umabot na rin sa labinlima ang mga taong napaulat na nasugatan dahil sa sama ng panahon.
Kasalukuyan pang bina-validate ng NDRRMC ang naturang mga casualties.
Samantala, nasa halos 300,000 pamilya o katumbas ng mahigit 1M indibidwal ang apektadong ng sama ng panahon mula sa 1,441 na mga brgys sa 13 rehiyon sa bansa.
Sa nasabing bilang 69,360 ang nananatili sa 634 na mga evacuation centers sa 12 rehiyon sa bansa.