Kinumpirma ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pansamantalang pinalaya ng mga awtoridad si dating Department of Budget and Management-Procurement Service Usec. Lloyd Christopher Lao.
Ayon kay PNP CIDG 11 Officer in Charge Police Lt. Col. Bernard Pagaduan, nakalaya si Lao matapos siyang makapagpiyansa sa kasong graft and corruption, na nagkakahalaga ng P90,000.
Maalalang naaresto kahapon si Lao sa Davao City matapos ang inilabas na arrest warrant ng Sandiganbayan.