Mga suspek sa Barayuga slay – kakasuhan na

Handa na ang case folder ayon sa Philippine National Police para sa pagsasampa ng reklamong murder sa mga personalidad na may kinalaman sa pagpatay kay dating PCSO Board Secretray Wesley Barayuga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, kabilang sa mga personalidad na kakasuhan ay ang mga natukoy sa pagdinig ng House Quad Committee.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Kabilang si dating PCSO GM Royina Garma, dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo, LT. Col. Santi Mendoza, Nelson Mariano at Sergeant Jeremy Causapin alyas Toks at ilang john does at jane does.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Naniniwala ang PNP na, bukod sa testimonya ni Mendoza, may karagdagang ebidensiyang magbibigay-linaw sa kaso ng pagpatay kay Barayuga.