Tulong pinansyal mula sa DSWD, ipinamahagi sa 260 na mga magsasaka sa bayan ng Labo

Labo, Camarines Norte — Tumanggap ang 260 na mga magsasaka ng tulong pinansyal mula sa tanggapan ng Department of Welfare and Social Development (DSWD) sa Gumamela Covered Court, Labo, Camarines Norte, nitong Hunyo 18, 2024.

Nakatanggap ang bawat magsasaka ng nagkakahalagang P 5,000.00 na makatutulong sa kanilang pangagailangan tulad ng mga kagamitan sa pagsasaka, binhi, abono, at iba pa.

Magtatagal ang tulong pinansyal hanggang biyernes, Hunyo 21, 2024 na mayroong kabuoang 1,000 benepisyaryo na mula rin sa nabanggit na bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *