Mga residente pinag-iingat sa inuming tubig matapos na makapagtalaga ng 2 kaso ng Gastroenteritis sa Tinambac

CAMARINES SUR- May kaso ng gastroenteritis sa Tambang, Tinambac Camarines Sur kaya mag-ingat sa inuming tubig; ito ang laman ng ng bandillo o abiso ng barangay para sa mga residente.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ricky Baesa, Health Committee Chairman sa nasabing lugar, ito ang ipinabatid sa kanila ng Rural Sanitation Inspector (RSI).  Sa nakuhang datus ng BNFM Naga sa Rural Health Unit, nakumpirmang dalawa ang kaso ng gastroenteritis.  Ang gastroenteritis ay pamamaga sa tiyan at bituka dahil sa virus, maaaring makuha sa kontaminadong tubig at pagkain. Pagsusuka, pananakit ng tiyan, diarrhea na minsan may kasamang dugo ang ilan sa mga sintomas.

Sinabi ni Municipal Health Officer (MHO) Dr. Paul Reazon, kailangang aksyunan upang hindi dumami ang kaso. Sa susunod na lingo nakatakdang magkaroon ng inspeksyon at water sampling sa water sources sa barangay, gayundin sa imbakan ng tubig sa bahay.

Payo naman ni Baesa , huwag munang direktang uminum ng tubig galing sa kanilang mga gripo, mainam kung pakukuluan kung hindi naman ay Purified water.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *