Pag-uulan nitong mga nagdaang araw hindi sapat- MNWD

NAGA CITY – Hindi sapat ang volume ng tubig na dala ng pag-uulan sa lungsod ng Naga at sa Camarines Sur para maibalik ang normal na supply ng tubig.

Ito ang paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Choppy dela Cruz, spokesperson ng Metropolitan Naga Water District. Sinabi niyang sa haba ng El Niño Phenomenon sa bansa, halos natuyong lahat ang mga water sources at nalagay sa kritikal ang lebel ng tubig kaya imposible kaagad na mangyari ang hinahangad na tamang water supply.

Ang Naga City at Camarines Sur ang mahigit ng isang linggong nakakaranas ng pag uulan na pinakamahaba ang halos isang oras na pabugso-bugso lamang, hindi kalakasan kaya nag e-evaporate lang naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *