Inihayag ng sponsor ng budget ng Office of the Ombudsman na walang batas ang nag-aatas sa mga opisyal ng pamahalaan na magsumite ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ito’y taliwas sa 1987 Constitution at Republic Act 6713 o ang Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires life style check lamang ang SALNs kaya’t walang batas na sakop dito.
Giit naman ni Gabriela Representative Arlene Brosas, may batas man o wala na nag-aatas sa Office of the Ombudsman na magsagawa ng lifestyle checks dapat gawin ng constitutional body ang lahat ng pagsisikap na panagutin ang mga kurap na pampublikong opisyal.