SORSOGON CITY—Kinumpirma ng Municipal Health Office (MHO) ng Juban, Sorsogon na positibo sa COVID-19 ang evacuee na una nang nagpositibo sa antigen test at kasalukuyang naka-isolate sa Sorsogon Provincial Hospital.
Ito ay base resulta ng RT-PCR test na lumabas ngayong araw kung saan positive ang nasabing indibidwal.
Ito ay isang 45-anyos na babae mula sa Barangay Puting Sapa at kabilang sa mga lumikas dahil sa pag-alburuto ng Bulkang Bulusan.
Mayroon itong dalawang close contact na ngayon ay nasa Juban temporary treatment facility sa Juban evacuation center.
Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Dr. Edrick Ian Vargas, RHU physician ng MHO Juban, kinumpirma nito na isinalang na rin sa RT-PCR test ang dalawa at maaaring lumabas ang resulta hanggang sa Biyernes.
Sakali anyang mag negatibo at wala ng sintomas ay pauuwiin na ang mga ito sa Biyernes pero sakali mang magpositibo at magpakita pa rin ng sintomas ay palalawigin ang isolation period hanggang sa Linggo.
Hindi na rin umano dadalhin ang dalawa sa Provincial Hospital dahil kaya naman itong mabigyan ng sapat na health care and assistance habang naka-isolate sa Juban temporary treatment facility.###
