Mga pumirma sa signature campaign para sa Cha-Cha, maaari pang bawiin ang lagda

Pe-puwede pa raw bawiin ang mga lagda ng mga napapirma sa People’s Initiative.

Ito ang nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) matapos ang mga napabalitang ginagamit umano ang iba’t ibang mga ayuda at employment programs ng Gobyerno para makalikom ng pirma sa petisyong nilalayong amyendahan ang 1987 Constitution.

Maaari raw kasing lumagda ang isang tao nang hindi naman niya naiintindihan ang pakay kung bakit sila pinapirma.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco – maaaring magpa-assist ang mga gustong mag-retract ng kanilang mga lagda sa mga tangapan ng poll body sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, maaari raw silang magpatulong sa mga eleciton officers para bawiin ang kanilang mga pirma.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kung maaalala – una nang kinumpirma ng poll body na mayroong humigit-kumulang sa 400 na mga signature forms mula sa iba’t ibang mga munisipalidad at lungsod sa bansa.

Tiniyak na rin ni COMELEC chair George Garcia na susuriin nilang mabuti ang mga ito para malaman kung mayroon bang takutan, o bilihan ng pirma.