Tuluy-tuloy lang ang trabaho ng mga kababayan nating OFW sa Taiwan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Taipei at Beijing.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Silvestre Bello III, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sinabi nito na pabor sa mga manggagawa Filipino sa Taiwan ang magiging pag-upo ng bagong presidente sa Mayo na siyang vice president sa ksalukuyan.
Dagdag pa ni Bello, hindi niya nakikitang mamasamain ng China ang 2,000 Metric Tons (MT) na donasyon na bigas ng Taiwan lalo’t noon pa man ay nagpapadala ng iba’t ibang produkto sa bansa.
Kung maalala, nag-ugat ang tensyon sa Taipei at Beijing nang batiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pro-democracy leader ng Taiwan matapos siyang mahalal na pangulo na ikinagalit ng China dahil isa umano itong paglabag sa “One China policy”.