Mga pulis na nakasuhan dahil sa online sabong, 7 na!

Tiniyak ng Philippine National Police na hindi malalabag ang ‘privacy’ ng mga kapulisan kaugnay sa bagong kautusan ni PNP chief Dionardo Carlos na magsagawa ng inspection sa mga cellphone ng mga miyembro nito.

Layon ng inspeksiyon na matiyak na walang pulis ang nahuhumaling sa pagtaya sa online sabong.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon kay PNP spokesman PCol. Jean Fajardo ang kautusan ni Carlos ay base lamang sa mandato at authority nito bilang hepe ng pambansang pulisya.

Sa ngayon binabalangkas pa umano ang official memorandum kaugnay dito.

Maliban sa cellphone sinabi ni Fajardo na magkakaroon din ng random inspection sa mga office computers at laptops para matiyak na walang mga naka-install na e-sabong apps.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala inilahad naman ni Fajardo na aabot na sa 7 pulis ang nasampahan nila ng kaso dahil sa pagkakasangkot sa online sabong.