Pagdating sa kalokohan number one ang mga Filipino diyan.
Tulad na lang ng viral ngayon sa social media, matapos kasing masungkit ni Yulo ang dalawang gintong medalya Paris Olympics 2024 at malaman ng mga incentives na makukuha ng atleta.

Marami ng gumawa ng video na tumatambling hanggang kusina. Mapa-out door man ay deserve ang peferct score.
Hirit pa ng ilang netizens, sana ay ginalingan pa nila sa chinese garter noong elementary para makalaban din nila ang ‘mader umano ng Chinese garter’ na si World Number One at Pole Vault Paris Olympics gold medalist, Armand ‘Mondo’ Duplantis.