Mga PDLs sa Bilibid, pinapayagan nang umorder ng pagkain online

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gregorio Catapang Jr. na pinapayagan nang um-order ng pagkain online ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa pamamagitan ng mga laptop na ginagamit para sa “e-dalaw”.

Sabi ni Catapang, may mga sumusubok na magpuslit ng kontrabando gaya ng sigarilyo at droga sa loob ng mga food packages.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Aniya, alam nila ang kalakaran at hindi lamang nila ito inaanunsyo upang hindi ito magdulot ng alarma sa publiko.

Dagdag pa ng opisyal, hindi maaaring i-disable ang online delivery applications dahil karapatan ng mga ito na umorder ng pagkain bilang bahagi ng Mandela prison reform model.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ibinahagi rin niya na “super congested” na ang sitwasyon sa loob ng NBP kung saan nasa 30,000 na PDLs ang nasa loob ng piitan kahit na 6,000 lamang ang kayang i-accommodate ng pasilidad.

Sa huli, sinabi nito na dulot ng nakakaawang sitwasyon ng mga PDLs ay dapat din silang makaranas ng kaunting kalayaan.
#