Mga pasahero sa Camarines Sur nanawagan na ibalik na sa dati ang pamasahe sa jeep

NAGA CITY- Inalis na  ng maraming driver ang plastic barrier sa mga jeep  kasunod ng  sabi ng Department of Transportation (DOTr) na maaari nang alisin ang barrier dahil walang pag-aaral na nagpapatunay na nakakaharang sa virus ang naturang plastic.

Kasunod nito ang pagdagdag ng passenger capacity o maaaring isakay na mula sa 50% ay 75% na ngayon.  Subalit ang naobserbahan ng mga pasahero maging ng Brigada News FM- Naga , 100% na ang sakay ng ilang mga jeepneys.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kaya ayon sa ilang pasahero mainam kung ibabalik na sa dati ang pamasahe halimbawa na lamang sa Naga City kahit na nga kaunti lang namanang itinaas noong magkapandemya. Ayon sa estudyanteng si “Julie” wala mang face-to-face classes ngayon mabigay pa rin ang naidagdag na P2.00.

Ngunit sa sitwasyon sa Naga-Tinambac P50.00 noon at nitong pandemya ay P100 na.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Una nang sinabi ng pamahalaan na kailangan mabalanse ang sitwasyon ngayong sunod-suno ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Samantala , may ilan pa ring hindi inaalis ang barrier  dahil baka ma ticketan tulad ni “Bobby” hindi buong pangalan na biyaheng Naga- Goa Camarines Sur. Pero kung siya aniya ang tatanungin pabor din na alisin na ang barrier sapagkat bakunado na siya kontra COVID-19 at ganundin sana aniya ang kaniyang mga pasahero.