Pagtalon sa tulay ng mga naliligo sa isang Barangay sa bayan ng Basud bawal na, mga mahuhuli oobligahing mag community service

CAMARINES NORTE- Ipinagbabawal na ang pagtalon sa tulay ng mga naliligo sa isang Barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ang mga mahuhuli ay oobligahing mag community service sa Barangay.

Ito’y matapos na aprobahan ng Sangguniang Bayan ang ipinasang ordinansa ng Sangguniang Barangay ng Mocong na nagpapatibay sa kautusan para sa mga naliligo sa ilog na ipagbawal ang pagtalon galing sa tulay, pagkalat ng basura at pagkuskos ng lupa sa river control.

Layon ng ordinansa  na mapangalagaan at maprotektahan ang buhay ng mga taong naliligo sa  ilog na malayo sa kapahamakan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa ilalim ng ordinansa papatawan ng kaparusahang apat na oras na community service ang mga mahuhuling violator sa unang paglabag.

Kapag nahuli sa ikalawang paglabag ay oobligahin ang violator na mag community service ng apat na oras at magtatanim ng 25 nipa sa tabing ilog.

Sa ikatlong paglabag naman ay community service ng apat na oras, magtatanim ng 25 nipa at pagbabawalan ng maligo sa ilog.

Batay sa ginawang rebyu ng Joint Committee on Environmental Protection & Ecology at Peace and Order ng Sangguniang Bayan, nasa “prescribe power” ng Barangay ang naturang ordinansa alinsunod sa Local Government Code kaya’t inirekomenda itong aprobahan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Batay sa ordinansa, tungkulin ng pamunuan ng Barangay na gumawa ng hakbang upang mapangalagaan at maprotektahan ang kanilang constituent.

Nalalagay daw kasi sa kapahamakan ang buhay ng mga taong tumatalon sa ilog galing sa tulay.

Bukod dito, nais din ng Barangay na panatilihin ang kalinisan at mapangalagaan ang mga proyekto ng gobyerno tulad ng river control.