Awarding ceremony sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City, isasagawa mamayang hapon; bicol Region, umaasang masusungkit ang ikatlong Most Clean and Green Delegation

LEGAZPI CITY – Halos tapos na ang sports event sa isinasagawang Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City. Ito ang inihayag ni Deped Regional Spokesperson Mayflor Jumamil sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Jumamil, isasagawa mamayang hapon ang awarding ceremony sa pagtatapos ng palarosa nasabing lungsod.

Sinabi pa ni Jumamil na hindi umano naabot ng Bicol Region ang rank 5 ngunit pasok pa rin sa top 10 ang rehiyon na may 14 gold, 15 silver, at 20 bronze medals. Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na may 95 gold, 66 silver, at 74 bronze medals, sinusundan ito ng Region 4A o Calabarzon na may 57 golds, 48 silver, at 52 bronze medals, at pumangatlo naman ang Western Visayas o Region 6, na may 54 Golds, 39 silver, at 40 bronze medals.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan
Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, umaasa ang nasabing ahensya na masusungkit ng Bicol Region ang ikatlong award bilang Most Clean and Green Delagation sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu.

Kumpiyansa si Jumamil na makukuha nila ang parangal dahil sa maayos  at pinaganda pa nito ang billeting areas ng Bicol Region.