Mga pamilyang nakatira sa 7km EDZ ng Bulkang Mayon, pinagpaplanuhan nang mailipat sa mga permanent relocation sites – Salceda

LEGAZPI CITY – Pinagpaplanuhan na ngayon na mailipat na rin sa mga permanenteng relocation sites ang mga pamilyang nakatira sa 7 kilometers extended danger zone ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Albay 2nd District Cong. Joey Salceda, hindi lamang dapat ang mga nasa 6 kilometers permanent danger zone ang ilipat dahil hindi na dapat antayin pang mag Alert Level 4 ang bulkan bago magsagawa ng paglilikas sa EDZ.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, hahanapan niya ito ng pondo upang matuloy ang nasabing plano bilang bahagi na rin ng pagiging “one step ahead” ng lalawigan at para na rin sa kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Patuloy naman ang mga pag-uusap na isasagawa ukol dito bago maipatupad ang nasabing plano.