Isa na namang Cessna plane – nawawala sa Cagayan

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nawawala ang Cessna plane (RPC-8598) sa Cagayan na may sakay na dalawang pasahero.

Ito’y sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo – isang piloto at ang student pilot na si Anshum Rajkumar Konde – isang Indian national.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Kaugnay rito, lumipad ang eroplano sa Laoag at lalapag sana sa Tugegarao kahapon.

Ayon sa CAAP, walang distress signal na natanggap mula sa mga nakasakay dito.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Dagdag pa ng ahensya, huling naitala ang lokasyon ng plane sa 32 nautical miles Hilagang-Kanluran ng Alcala, Cagayan.

Sa huli, kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang nawawalang Cessna plane, at ang dalawang pasahero nito.
#