Naniniwala si Senator Richard Gordon, chair ng Senate blue ribbon committee, na maituturing na “inciting to sedition” ang pagpapayo sa publiko na balewalain ang Commission on Audit, at pagu-utos sa mga miyembro ng Gabinete at opisyal ng militar na huwag pansinin ang mga imbestigasyon ng Senado.
Inihayag ito ni Gordon sa gitna ng 3rd General Membership Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Ayon kay Gordon, ang mga pahayag tulad ng “huwag makinig sa COA,” o “huwag magpunta sa Senado,” ay hindi makakatulong sa Pilipinas, partikular na sa pag-aakit ng investors.
Ipinaliwanag ng senador na ito ay dahil nababali ang rule of law sa bansa.
Dagdag niya, nagpapadala lang ito ng “very bad signals”
Ang tinutukoy ni Gordon ay si Pangulong Rodrigo Duterte, na kamakailan ay binatikos ang COA at ang mga senador na pumuna sa paraan ng paghawak ng DOH sa pondo nito para sa COVID-19 response.