Davao Oriental, isasailalim sa dalawang linggo na ECQ

Malalagay ang probinsya ng Davao Oriental sa ilalim ng pinakaistriktong enhanced community quarantine classification simula September 8-September 21.

Ayon sa provincial government, ay unanimous ang pagsangayon ng local chief executives sa quarantine classification sa gitna ng nakaka-alarmang surge ng COVID-19 cases sa probinsya.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa ilalim ng ECQ ay ipinatutupad ang curfew hours na alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Mag-iimplementa rin ang provincial government ng 24-hour liquor ban, istriktong border control para mapigilan ang non-essential travels, at istriktong establishment monitoring.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 5,583 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Davao Oriental, kabilang na ang 1,227 na aktibong kaso, at 159 na nasawi sa sakit.