Balik na sa klase ang mga estudyante sa Thailand, matapos payagan ng Education Ministry ang mga paaralan na magbukas, gaya ng normal na operasyon sa ilalim ng kanilang plano na makontrol ang Covid-19.
Sa ilalim nito, kailangang 85 percent na bakuna ang mga guro, kahit isang dose pa lamang.
Maliban dito, kailangan rin na i-evaluate ng mga paaralan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng Department of Health’s Thai Stop COVID+ website.

Samantala, kailangan sumunod ang mga paaralan sa Covid-19 prevention measures kabilang na ang social distancing, paghuhugas ng kamay at temperature checks.