Boluntaryong sumuko ang aktor na si Enchong Dee sa National Bureau of Investigation (NBI) at nagpiyansa para sa kinahaharap nitong P1-billion cyber libel case na inihain ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) party list representative Claudine Bautista-Lim.
Si Dee ay sumuko sa NBI Quezon City noong Jan. 31, matapos na bigong maihain ng mga otoridad ang kanyang warrant of arrest sa ideneklara nitong address sa Cubao, Quezon City.

Matatandaan na inihain ni Bautista ang reklamo, matapos akusahan ni Dee na tila ipinapalutang na ang perang ginamit sa magarbo nitong kasal noong July 2021 ay mula umano sa pondo ng party list.
Samantala, naghain rin si Bautista ng reklamo laban sa mga celebrities na sina Ogie Diaz, Agot Isidro at Pokwang na nagpahayag rin ng kanilang opinyon hinggil sa naturang kasal, pero nabasura ito.