Mga otoridad sanib-pwersa sa pagtiyak ng seguridad ng publiko sa Semana Santa at summer vacation

NAGA CITY – Magkatuwang ang mga pulis, mga sundalo at iba pang nasa law enforcement agencies sa pagpatupad ng seguridad at katahimikan sa Camarines Sur ngayong Semana Santa at summer vacation. Sila ay makikita sa mga pampublikong lugar at maging sa malalayong barangay na nagbabantay at nagroronda.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCapt.Marlon Lladoc, Spokesperson ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) na lagi namang nagtutulungan ang pulis at mga sundalo para mapangalagaan ang publiko laban sa sinumang indibidwal o grupo na nais maghasik ng gulo sa gitna ng mga programa at aktibidad na gagawin na may kaugnayan sa holy week at summer vacation.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

May paalala din siya sa lahat na sana ay maging maingat din at huwag maging pabaya sa mga gamit, mga alahas, mga pera at iba pa lalo na kung nasa mataong lugar tulad ng resorts para hindi mabiktima ng mga magnanakaw.