Nagtulong-tulong ang Philippine Coast Guard Zambales, PNP, Municipal Disaster Management Office, Philippine Army at PDRRMO sa pagrescue sa mga crew ng isang vessel na sumadsad sa karagatang sakop ng Bgy. Bani, Masinloc, Zambales nakaraang Sabado.
Makikita sa video na ipinost ng PCG na gumamit ang rescue team ng lubid na konektado sa life raft para marescue ang mga crew.
Ayon kay Bgy. Bani Captain Sean Elad, ang barge ay naghahakot ng nickel na isinasakay sa barko.
Dahil na rin umano sa malalakas na hangin at alon dala ng masamang panahon nakalipas na araw ay sumadsad ang barge.
Unang na-rescue ang 22 crew habang araw ng Linggo naman ay narescue ang dalawa pa.
Samantala, base sa inspeksyon ng Marine Environmental Protection Group ng Zambales, wala namang nakitang oil spill sa lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo: Masinloc MDRRMO Joel Tovera
