CAMARINES NORTE- Mayroon nang bagong Director ng Camarines Norte Electric Cooperative ang Basud District sa katauhan ni G. Ruel De Vera na isang LGU employee.
Ginawa ang District Election para sa naturang distrito noong Sabado sa Basud Central School, Basud, Camarines Norte.
Si De Vera ay ang nag-iisang kwalipikadong kandidato at bago ang eleksyon ay isinailalim sa orientation sa opisina ng Canoreco.
Samantala sunod namang gagawin ang eleksyon sa Daet North District sa Hulyo 9, Labo, Hulyo 16 at Sta Elena sa Hulyo 23.
Samantala, ang mga qualified voters naman ay ang mga kasapi na ang membership ay naaprubahan ng Board of Directors hanggang sa mga sumusunod na petsa lamang; April 9, 2022 para sa District II Daet North, April 16, 2022 para sa District IV Labo at April 23, 2022 para sa District IX Sta Elena.
Ipinapayong tiyakin na ang pangalan ay nakatala sa Masterlist of Members ng CANORECO na nakapaskil sa mga barangay ng mga distrito.
