6 months old baby kabilang sa 3 bagong kaso ng COVID-19 sa Sorsogon

SORSOGON CITY—Umakyat na sa 13 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makapagtala ng tatlong bagong kaso kahapon.

Batay sa ipinalabas na datos ng Sorsogon Provincial Health Office, ang mga nagpositibo ay isang 25-anyos na babae at 26-anyos na lalaki, kapwa mula sa Barangay Balete, Bacon District at parehong close contact.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kabilang rin sa mga bagong tinamaan ng sakit ang isang 6 na buwang gulang na babaeng sanggol mula naman sa Barangay Panganiban sa bayan ng Gubat.

Sa kabuuan, mayroon nang 8,381 na mga tinamaan ng Covid-19 sa lalawigan habang nananatili naman sa  475 ang mga namatay dahil sa nasabing sakit habang umabot na sa 7,893 ang total recoveries matapos na makarekober ang 35-anyos na babae mula sa Barangay Punong sa bayan ng Casiguran.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang paghihikayat ng mga health official sa publiko na magpabakuna at sundin pa rin ang mga pag-iingat laban sa posibleng pagkahawa sa nasabing sakit.###