Binigyang diin ng mga otoridad na ang mga poll-related violence ay isolated cases lamang, na nangyari sa mga probinsya ng Lanao del Sur at sa Maguindanao.
Ayon kay Police Gen. Allan Nobleza, may mga lugar kung saan may naitalang shooting incidents, habang ang iba ay nangyari sa Luzon.

Dagdag ni Nobleza, kung ikukumpara umano ito mula sa nakaraang halalan, ang 15 election-related violent incidents ay bahagyang mababa parin.
Una nito, sa mismong araw ng halalan, tatlong mga miyembro ng barangay peacekeeping action team (BPAT) sa bayan ng Buluan sa Maguindanao ang napatay, kasunod ng shooting incident malapit sa polling precinct.
Sa Lanao del Sur naman, may tatlong katao ang napatay habang dalawang iba pa ang sugatan nang magpaulan ng bala ang mga tagasuporta ng local candidates sa loob ng voting center sa bayan ng Malabang.