Elmo Magalona nagpaliwanag kung bakit matagal na nanahimik

Nagpaliwanag ang aktor na si Elmo Magalona kung bakit sa kabila ng mga negatibong naglabasan tungkol sa kanya sa nakalipas na panahon ay mas pinili niyang manahimik.

Sinabi ni Elmo na mas pinili niya kasing tignan ang mga blessings at positibong bagay kaysa sa mga negativity.

Binigyang diin ni Elmo na nakakaawa naman aniya kung pagtutuunan niya ng pansin ang mga negatibong bagay kaya imbes na magsalita o gumanti ay nanahimik na lamang siya.

Giit ni Elmo, marami siyang natutunan sa mga nangyari sa nakalipas habang nawala aniya ang dating pagiging impulsive niya at pagpatol sa mga bagay-bagay.

Matatandaan na hindi kailanman idinepensa ni Elmo ang sarili nang lumutang ang mga isyung may kaugnayan sa pambubugbog niya umano sa dating kasintahan na si Janella Salvador.