Patay ang isang guro na nakatalaga bilang support staff sa electoral board sa Negros Occidental, matapos na barilin at napatay sa Himamaylan City.
Ayon sa Philippine National Police’s Police Regional Office 6 (PRO6), nangyari ang insidente habang pauwi na ang mga biktima sa Barangay Caradio-an, Linggo ng gabi.

Sinabi ni PRO public information officer chief Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, na kasama ng biktimang guro na si Mercy Miguel ang kaniyang asawa na si Alvin.
Samantala, nakaligtas naman ang asawa nito, na kasama niya.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni PRO6 director Police Brigadier General Flynn Dongbo sa Negros Occidental Police Provincial Office Director na masusing imbestigasyon.