Kinumpiska ng mga otoridad kasama ang market management ng West Bajac-Bajac ang ilang depektibo at unregistered na timbangan kahapon sa lumang palengke.
Ito ay matapos na magsagawa ng surpresang inspeksyon ang pamunuan, PNP at ang City Agriculture Office.
Ayon kay Market Master Carlo Barawed, labing walo ang nakumpiska mula sa gulayan at prutasan habang walo naman sa meat section.
Paalala ng mga otoridad na sumunod sa batas para maiwasang maabala, maapektuhan ang kabuhayan at hindi makapamerwisyo sa mamimili.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Carlo Barawed
