Gov’t consultant: Daily COVID-19 vaccinations, bumaba dahil…

Ipinaliwanag ng consultant ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na bumaba ang bilang ng daily COVID-19 vaccinations sa bansa dahil sa limitadong manpower.

Sa ngayon kasi, kinakailangan ang maraming healthcare workers sa mga ospital sa gitna ng tumataas na bilang sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Ted Herbosa , hindi na problema ngayon ang suplay, sa halip ay ang availability ng manpower na nagsasagawa ng inoculation sa vaccination centers.

Pagbabahagi ni Herbosa, kung dati ay nakaka-700,000 injections per day umano ang gobyerno, hanggang sa bumaba ito sa 300,000, at ngayon, nag-stabilize sa 400,000.

Dahil dito, hinihimok ng pamahalaan ang mga medical students na mag-volunteer sa vaccination centers, tulad ng plano ng Commission on Higher Education at ng Department of Health. // MHEL PACIA-TRINIDAD