Mga operator at tsuper na hindi pa nakakapag-consolidate, muling hinikayat ng LTFRB

Muling hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at tsuper na hindi pa nakakapag-consolidate na humabol nang magsumite ng aplikasyon sa Industry Consolidation.

Ito ay bago pa umabot ang deadline para sa consolidation na December 31 alinsunod na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon sa LTFRB, pinasimple na nito ang aplikasyon para mas maraming PUV operators at drivers ang makasali sa programa.

Kinakailangan lamang na magsumite ng mga sumusunod na dokumento kabilang na ang Latest LTO Official Receipt at Certificate of Registration.

Para sa Korporasyon ay kakailanganin ang SEC Certificate of Registration/Certification habang CDA Registration/OTC Certification para sa kooperatiba.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Kailangan din ang Affidavit of Conformity na nagsasaad na pumapayag ang individual operator na isama sa kooperatiba o korporasyon ang kaniyang prangkisa at yunit.

Kung matatandaan, una nang nanindigan ang LTFRB na hindi na iuurong pa ang deadline nito para sa pag-usad ng PUV Modernization Program.