6 sa bawat 10 Pilipino – suportado ang hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa WPS issue

Karamihan sa mga Filipino adult ang sumusuporta sa mga polisiya at programa ng Marcos administration para tugunan ang girian ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Batay sa Third Quarter 2023 “Tugon ng Masa” (TNM) survey, suportado ng 58% ng mga Pilipino ang mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan kaugnay ang usapin sa pinag-aagawang isla.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Paliwanag ng OCTA, ipinakikita nito ang significant 15-point increase mula sa 43% na naitala noong second quarter TNM survey na isinagawa noong July 2023.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Mula sa kabuoang porsyento ng mga taong sumusuporta sa gobyerno, ang pinakamataas na agreement rating ay makikita sa mga Pilipino edad 75 pataas.