Mga nasawi sa banggaan ng bus at pick up sa Abulug Cagayan, nakilala na

Nakilala na ang mga nasawi sa banggaan ng pampasaherong bus at pick up kaninang madaling araw sa Brgy Ayaga Abulug Cagayan.

Base sa ulat ng PNP Abulug,kinilala ang mga nasawi na mag-amang Rodolfo Time Sr. at Rodolfo Time Jr., magkapatid na sina Evelyn Time at Christina Jane Time, kasama sina Mary Jane Time, Lovely Time, Crishia Shane Time ,Kimberly Mangupag-Time, Rodelyn Time, at Angel Time, at Esmeralda Israel na pawang mga residente ng Allacapan Cagayan.

Kinilala ang driber ng Toyota Hi-Lux pick up na may plakang AAU 5780 na si Nestor Mangupag na residente ng Gattaran habang ang driber ng bus na may plakang NBJ 3183 ay si Jay-jet Andrada ng Logac Lallo Cagayan.

Galing ang mga biktima sa isang lamay sa Flora Apayao at pauwi na ang mga ito sa Brgy Dana-Ili nang mangyari ang insidente.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na palabas ang Pick up sa pambansang lansangan ng Brgy Ayaga ng masalpok ng bus na galing ng Baguio City patungong Sta Ana Cagayan.

Dahil sa lakas ng impak, dumiretso ang pick up sa isang talipapa habang sumadsad naman ang bus sa pader ng isang establisyimento sa lugar.

Nakaligtas naman ang driver ng pickup na si Mangupag, kasama ang dalawa nitong mga anak na sina Kyla at Loveliness Mangupag, na ngayon ay ginagamot sa isang pagamutan sa Apayao.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

PHOTO AND SOURCE: RADYO PILIPINAS TUGUEGARAO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *