Drone, hiniling ng isang irrigators association sa Aparri Cagayan

Hiniling ng mga miyembro ng Dodan-Gaddang Irrigators’ Associations (DGIA) ng Aparri, Cagayan sa pamumuno ni Eddie Malazzab na bigyan sila ng isang unit ng drone na magagamit upang mapagaan ang pagsasaka ng mga miyembro nito.

Ayon kay Malazzab, may mga makinarya na rin na naipagkaloob sa kanila na kinabibilangan ng tractor, combined harvester transplanter at iba pa na napakinabangan na rin ng kanilang mga miyembro.

Isa sa mga itinuturo ng DA-ATI na bahagi ng kanilang Digital Farmers’ Program (DFP) ay ang paggamit ng smart phone at ang pagpapakilala sa mga app sa pagsasaka kasama na dito ang applications na rice crop manager, e-Damuhan, SPIDTECH Plant Doctor, MOET app at iba pa.

Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng Farm Learn Phase 1 & 2. Ikalawang component ng DFP ay Farm Connect (Phase 3) o ang pagtuturo sa paggamit ng drone technology.

PHOTO and SOURCE: RP TUGUEGARAO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *