COMELEC Chairman – handang mag-resign sakaling mapatunayan ang alegasyon hinggil sa 49 offshore accounts

Binigyang-diin ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na hindi muna naiparating sa kanya ang impormasyon hinggil sa sinasabing offshore accounts bago ito ibulgar sa isang press conference ni SAGIP Party List Rep. Rodante Marcoleta.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Garcia, iginiit nitong ang isyu tungkol sa isang Comelec official na kumita sa pagpasok ng kontrata sa Miru System ay hindi naman verified.

Samantala, sinabi ni Garcia na hindi dapat maging balakid sa mga operasyon ng Comelec ang isyung ito.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit siya humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan na at alamin kung sino ba ang mga taong nasa likod ng kumakalat na alegasyon.

Sa huli, mariing sinabi ng komisyoner na sakaling mapatunayan na may pagmamay-ari siya sa naturang mga offshore accounts, kahit isa man sa mga ito, – handa siyang mag-resign.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *