Mga nasawi dahil sa Covid-19 sa buong mundo, nasa 3.9 million na

Pumalo sa mahigit 3.9 million ang bilang ng mga nasawing indibidwal sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Batay sa huling datos ng Johns Hopkins University, nasa kabuuang 3, 907,661 ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang bansa ang binawian ng buhay dahil sa virus.

Sa naturang bilang, Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming naitalang nasawi sa COVID-19 na aabot sa kabuuang 618, 294.

Sinundan naman ng Brazil na may 507, 240 na pumanaw dahil pa rin sa virus.

Nasa 392,014 naman ang death toll sa India habang 231, 847 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Samantala, sumampa na sa 180,372,985 ang bilang ng tinamaan ng virus, habang 165, 098, 641 naman ang naka-rekober o gumaling na sa COVID-19 sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *