Nanatiling unhealthy ang kalidad ng hangin sa malaking bahagi ng NCR.
Ito ay dahil sa volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal na umabot na sa Metro Manila.
Base sa air quality monitoring, lumabas na ang Caloocan, Parañaque, Makati City, at Pateros ang nakapagtala ng hindi maganda at mapanganib na kalidad ng hangin ngayong araw.
Pinapayuhan naman ang publiko na kung maaari ay magsuot ng facemask kapag lalabas ng bahay dahil delikado sa mga may respiratory problems ang usok o vog mula sa Bulkan.