Mga nasa low-lying areas sa Camarines sur, pinag-iingat sa epekto ng posibleng lumakas na Habagat dulot ng Bagyong Dodong

CAMARINES SUR- Pinag-iingat ng PAGASA ang mga nasa low lying areas sa Camarines Sur dahil sa posibleng paglakas ng Hanging Habagat na magdadal ng pag-uulan.

Ito ay ayon kay PAGASA Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta kaugnay ng Bagyong Dodong na kahapon ay ang binabantayang Low Pressure Area.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nag-landfall na sa Dinapigue, Isabela ang Bagyong Dodong.

Nitong nagdaang gabi halos magdamag ang ulan sa malaking bahagi ng Camarines Sur, naging alerto nga ang ilang BDRRMC dahil sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig halimbawa na lamang sa Sta. Maria , Lagonoy.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay Consulta, kalat-kalat na pag-uulan ang mararanasan sa mga susunod na araw sa lalawigan dahil sa Habagat.